Search This Blog

Saturday, February 19, 2011

Naging Sultan Si Pilandok

Pamagat:                               Naging Sultan si Pilandok

May-Akda:                            Di Binanggit

Mga Tauhan:                        Pilandok
                                                Sultan
                                                Ester
                                                Ina

Pinangyarihan:                    Sa bahay at sa Maynila

Buod:

            Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok. Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.

            Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak.

            Nagtataka ang Sultan kung paanong nakabalik si Pilandok gayong ipinatapon na niya ito sa gitna ng dagat habang nakakulong sa isang hawla, at ngayon nga ay nakasuot pa ng magara.  Sinabi ni Pilandok na siya ay iniligtas ng kanyang mga ninunong naninirahan sa isang kahariang nasa ilalim ng dagat.  Ayaw maniwala ng Sultan sa mga kwento ni Pilandok.  Ngunit siya ay nakumbinsi ni Pilandok na mayroon ngang kaharian sa ilalim ng dagat.  Ang Sultan ay naghangad makarating sa ilalim ng dagat at inutusan si Pilandok na ipasok siya sa hawla at dalhin sa ilalim ng dagat dahil gusto niyang makita ang kayamanan.  Sinabi ni Pilandok na papaano na ang pamumuno sa kaharian.  Mag-iiwan ng kautusan ang Sultan na siya ay gagawing pansamantalang kahalili ngunit sinabi ni Pilandok na dapat ay walang makakaalam tungkol sa kaharian sa ilalim ng dagat.  Kaya dapat ay ibigay na lamang ng Sultan ang korona at lahat ng katunayan ng pagiging sultan kay Pilandok.  Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

Aral na napulot:

            Walang buting maidudulot sa kahit kanino man ang paghahangad ng labis.  Gaya ng Sultan sa kwento.  Sa paghahangad niya ng mas higit pang kapangyarihan at kayamanan ay nalinlang siya ni Pilandok at ang naging kapalit ay ang kayang buhay.

            Si Pilandok naman ay tuso.  Nilinlang niya ang Sultan sa pagsasabing mayroong kayamanan sa ilalim ng dagat.

            Sa panahon natin ngayon, naglipana ang mga taong mapanlinlang.  Nangangako ng biglang-yaman o kaya ay biglaang malakihang kita o tubo mula sa kung anu-anong trabaho o negosyo.  Sa hirap ng buhay, maraming nagiging biktima nito.  Sabi nga, sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

92 comments:

  1. ano po ang kultura at tradisyon ng naging sultan si pilando ?

    ReplyDelete
  2. ano pong bagay ang maiihalintulad kay pilandok

    ReplyDelete
  3. ano pong bagay ang maiihalintulad kay pilandok

    ReplyDelete
  4. ano pong bagay ang maiihalintulad kay pilandok

    ReplyDelete
  5. pano po ba naka labas si pilandok

    ReplyDelete
  6. PAANO PO SYA NAKALABAS,SINO PO TUMULONG SA KANYA?ANU po bang kasalanan nya?totoo po ba ang sinabi nya sa sultan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. wlang tumulong sa kanya... nguni't ang kanyang gamit ay ang kanyang utak... nag-isip na siya kung paano makalabas nung nasa bangka plang cla patungu sa gitna ng dagat.. at nalaman nya kung paano buksan ang lock ng kulungan na kanyang kinalalagyan... gamit ang kanyang utak

      Delete
    2. sabi po sa version ni victoria anonuevo, napgod daw po ang mga kawal na nagbabantay sa kanya, kaya iniwan nilang mag-isa si pilandok at nagpahinga sa ilalim ng puno. Meron daw pong mangangalakal na nakasakay sa bangka na dumaan kaya sumigaw ng malakas si Pilandok ng, "ayaw kong pakasal sa prinsesa!". Lumapit naman ang mangangalakal at pumayag na makipagpalitan ng pwesto kay pilandok sa akalang ipakakasal siya sa prinsesa. Tinulungan ng mangangalakal tumakas si Pilandok, nagpalit sila ng damit, sumakay sa bangka si Pilandok, pumasok sa hawla ang mangangalakal, at sa pamamagitan nito, nakatakas na naman si Pilandok.

      Delete
    3. sabi naman ng iba tinuso din daw nya ang mga kawal,gumawa po sya ng paraan para makatakas,pinangakuan daw ni Pilandok ang mga kawal pero hnd ko alam kung anu yun tapos yun nakalaya sya tapos may nakita daw syang isang mayaman tapos ewan ko na kung anu ang kasunod ng part na yan.


      tapos naman paktapos nyang pakipag usap o anu kay mayaman pumunta sya kay Sultan tapos nagulat yung Sultan tapos yan na

      Delete
  7. sa kasakuluyan,sino ang itinuring na pilandok?bakit?

    ReplyDelete
  8. sa kasakuluyan,sino ang itinuring na pilandok?bakit?

    ReplyDelete
  9. Pki sagot naman po plz ito......kaylangan q lng po ehhh plz....
    Paano sinalamin ng kuwentong-bYan ang kultura at tradisyon ng bayang pinagmulan into?
    PKI sgot po plz....

    ReplyDelete
  10. Ito pa po plz....... Ano ang silbi ng mga kuwentong-bayan sa buhay ng ating mga ninuno?

    ReplyDelete
    Replies
    1. mga kwentong bayan ibig sabihin MAY MGA ARAL NA MATUTUTUNAN may mga tauhan na na hnd totoo at meron ding totoo may silbiyansa mga ninuno dahil sa mga aral nyang kwentong yan

      Delete
  11. Bakit Sya Naging Sultan? Reply Po pld

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi nga nagtiwLa ang sultan Kay pilandok at habang di pa sya bumabalik so pilandok muna and magiging sultan

      Delete
  12. s kasalukuyan cno ang itinuturing n pilandok??? pkisgot nga po plsss....

    ReplyDelete
  13. maari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos ng pilandok?

    ReplyDelete
  14. Paano sinasalamin ng kwentong bayan ang tradisyon at kultura ng bayang pinagmulan nito????

    ReplyDelete
  15. Meranao,bikolano,ikocano o bisaya..saan galing yung kwentong pilandok?po

    ReplyDelete
  16. REPLY PO PLEASE.
    paano sinalamin ng kuwentong-bayan ang kultura at tradisyon ng bayang pinagmulan nito??

    ReplyDelete
  17. Anu po ang tatlong kultura sa kwento?

    ReplyDelete
  18. Ano po ba ang ugali ni Pilandok???

    ReplyDelete
  19. Ano po masasabi mo kang pilandok

    ReplyDelete
  20. ano pong patunay na galing sa mindanao ang kwento

    ReplyDelete
  21. Ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano ang naging motibasyon nila sa kanilang ikinilos? Makatarungan ba ang mga ikinilos nila?

    ReplyDelete
  22. Ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano ang naging motibasyon nila sa kanilang ikinilos? Makatarungan ba ang mga ikinilos nila?

    ReplyDelete
  23. ANONG KANTA ANG BABAGAY NITO?

    ReplyDelete
  24. Ano ang patunay na ito ay akda ng nga maranao???

    ReplyDelete
  25. Ano ang patunay na ito ay akda ng nga maranao???

    ReplyDelete
  26. taga san po ba talaga si pilandok ..?

    ReplyDelete
  27. Ano po ang pwedend saliwikain,sawikain,kasabihan sa kwentong Naging Sultan si Pilandok

    ReplyDelete
  28. Ano po ang pwedend saliwikain,sawikain,kasabihan sa kwentong Naging Sultan si Pilandok

    ReplyDelete
  29. Litrato po ni pilandok noong nasa kolongang bakal siya

    ReplyDelete
  30. Litrato po ni pilandok noong nasa kolongang bakal siya

    ReplyDelete
  31. Makatwiran ba ang ginawa nya sa sultan? O pangangatwiran

    ReplyDelete
  32. Ano ang iyong naramdaman nang maniwala ang sultan sa sa kwento ni pilandok

    ReplyDelete
  33. Ano ang nagpapahiwatig ng pagiging totoo sa storyan

    ReplyDelete
  34. Anu ang mga patunay na ang mga naganap sa kwentong bayan si pilandoksa pulo ng pawikan,ay sumailalim sa mga tradisyon o kaugalian ng mga maranao noon,gamitin ang mga wastong pahayag sa pagbibigay ng mga patunay

    ReplyDelete
  35. Ano poba Ang kasalanan no pilandok bakit siya kinulong Ng sultan

    ReplyDelete
  36. Sa panahon ngayon,mayroon bang mga tao maihahalintulad mo kay pilandoknat sa sultan? Ipaliwanag.

    ReplyDelete
  37. Sino ang nagtalaga Kay Pilandok ma maging Sultan? At bakit?

    ReplyDelete
  38. kanino mo maaring ihalintulad si pilandok at bakit ano po sagot?

    ReplyDelete