Alam natin na ang pinakamasinop na insekto ay ang langgam. Kaya siya ay hindi tumitigil sa paghahanap ng pagkain para sa tag-ulan.
Ito namang mayabang na si tipaklong ay pakanta-kanta lang at panay ang tulog. Pero hindi nya alam na mayroong tag-ulan.
Kaya noong dumating ang tag-ulan ay wala siyang pagkain.
“Kaibigang langgam, pahingi nga ng pagkain kasi mayroon lang akong sakit,” ang sabi ng tipaklong.
Yan ang sinasabi ko sa iyo noong tag-araw hindi ka nagsinop ngayon hihingi ka sa akin, o sige bibigyan kita ngayon pero sa susunod ay hindi na ang wika ng langgam. Tinanggap ni tiopaklong ang pagkain, pero nahihiya siya kay langgam, kaya nawika na lang niya sa kanyang sarili sa magsisinop na din siya para sa tag-ulan.
Kaisipan:Mas mainam na magsinop ngayon para may madudukot bukas.Mag-ipon para sa tag-ulan.
No comments:
Post a Comment