Search This Blog

Friday, February 18, 2011

Mga Paraan ng Pananaliksik


Upang makapagsaliksik, nagpupunta ang isang mananaliksik sa mga aklatan, museo, nakikipanayam sa mga dalubhasa, at nangongolekto ng mga opinyon sa mga mamamayan. Sa simula, nagbabasa sila ng sangguniang mga aklat na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman o may tiyak na mga paksa, katulad ng talahuluganan, ensiklopedya, taunang-aklat, atlas, mapa, globo, at indeks. Nagsisimula ang isang mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyang napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa mga aklat na pangsanggunian, inaalam niya ang mga pang-alalay na mga paksang kaugnay ng pangunahing paksa.

A. Palararawan (Descriptive Method) – Ito’y idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito’y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarangt nilinang.
  
B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:
1.   Ang malayang baryabol ay maaring mabago.
2.   Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.
3.   Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat.

No comments:

Post a Comment