ULAT UKOL SA BABASAHING PAMBAHAY
I. Pamagat: Ang Sapatos ni Jimmy
II. May –Akda: Hershey San Juan
III. Tagpuan: Bahay nila Jimmy at Simbahan
IV. Mga Tauhan:
Juan at Pilar – magulang ni Jimmy
Jimmy
Bata
V. Buod:
Si Jimmy ay isang batang mahilig sa mga materyal na bagay lalo na sa sapatos. Siya ay nag- iisang anak nina Juan at Pilar na mga negosyante. Sunod sa layaw si Jimmy. Isang araw ay nalugi ang negosyo ng kanyang mga magulang. Nagtipid sila. Ang mga pangyayaring ito ay hindi maintindihan ni Jimmy. Sumapit ang kanyang kaarawan at hindi sila nakapaghanda. Sumama ang kanyang loob, lalo’t wala ang inaasahan niyang sapatos. Nagtampo siya at hindi pumasok sa paaralan, ni makipaglaro. Ang tanging magagawa ng kanyang ina ay ang magsimba at magpasalamat sa Panginoon. Ayaw man ni Jimmy ay pinagpaliwanagan siya ng kanyang ina na wala man silang maraming pera ay sama-sama naman silang mag- anak at malulusog, sipag at tiyaga lang ay manunumbalik din ang nawala sa kanila. Masama man ang loob ay napapayag siya. Sa simbahan ay nakita niya ang isang batang putol ang paa at nagtitinda ng bulaklak. Hindi na maiwasan ni Jimmy ang mahabag sa bata. Nalaman niya na napakapalad niya sa pagkakaroon ng paang nakakalakad. Naisip niya na lubha siyang naging makasarili. Ang kaunting pera niya ay ibinili niya ng bulaklak at inialay sa simbahan. Nagbago si Jimmy, pumasok na siya sa paaralan. Tumutulong na rin siya sa mga magulang. Hindi nagtagal ang swerte ay muling bumalik sa pamilya ni Jimmy.
VI. Natutuhang Aral:
Dapat nating tanggapin ng maluwag ang mga bagay na kaloob sa atin ng Diyos. Dapat tayong magpasalamat sa pinagkaloob sa atin ng Maykapal.
bat ang ikli po ang kuwento
ReplyDelete