Tag-araw sa bukid. Isang pangit na inakay ang napisa mula sa isa sa mga itlog ng inahing pato
"Sisiw ng pabo'yan," anang isa sa mga pato sa bukid. Ngunit sa ilog, ipinakita ng pangit na inakay ang kanyang galing sa paglanggoy.Nagpasya ang inahing pato na hindi sisiw ang pangit na inakay.Ngunit naging malupit sa pangit na inakay ang ibang hayop sa kamalig,kaya nagpasya ang pangit na inakay na umalis na lamang.
Napadpad ang pangit na inakay sa isang latian. Niyaya siya ng dalawang ligaw na gansa na lumipad, ngunit nabaril ang mga ito ng mangangaso.Nilisan ng pangit na inakay ang latian. Narating niya ang kubo ng isang aleng may alagang inahing manok at pusa.Dahil nais ng inahin na mangitlog siya at gusto naman ng pusa na magmiyaw siya,umalis na lamang ang pangit na inakay.
Bumalik ang pangit na inakay sa latian.Nakakita siya ng isang kawan ng naggandahan at puting-puting ibon.Ibinuka ng mga ibon ang mga pakpak at lumipad.
Dumating ang taglamig.Nilukuban ng yelo ang pangit na inakay.Isang dumaraang magsasaka ang sumagip sa kanya at iniuwi siya sa bahay.Nang mahimasmasan ang pangit na inakay ay hinabol siya ng mga anak ng magsasaka.Sa takot na baka saktan siya ay kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay.Walang ibang mapuntahan ang pangit na inakay kundi ang latian-at ang malupit na taglamig.
Sa wakas,sumikat din ang araw.Dumating na ang tagsibol.Ibinuka ng pangit na inakay ang kanyang mga pakpak at nagpanto niyang nakakalipad na siya!Dumapo ang pangit na sisiw sa lawa ng isang maringal na hardin.Doon ay nakita niya uli ang mga puting ibon na may mahahagway na leeg.Mga sisne!Hinihintay niyang tukain at saktan siya ng mga sisne dahil sa kanyang kapangitan. Ngunit nang tumingin siya sa tubig ay nasalamin niya roon ang kanyang anyo.Siya rin ay isa nang napakagandang puting sisne!Naalala ng dating pangit na inakay ang mga panlilibak sa kanya.Kung hindi sa mga hirap na dinanas niya ay hindi niya mapapahalagan ang kanyang kapalaran at magandang anyo.
ARAL NG KWENTO:
No comments:
Post a Comment