Noong araw ay may isang prinsesang anak ng datu na ang pangalan ay Aniway. Maganda si Aniway at ubod pa ng bait kaya naman mahal siya ng lahat ng mga nasasakupan ng kanyang amang datu.
Mahilig si Aniway sa mga bulaklak. Kaya naman ang paligid ng bahay na kanyang tinitirahan ay natatamnan ng iba’t ibang halamang namumulaklak. Siya ang nagtanim ng lahat ng mga halamng iyon sa buong pagmamahal niyang inaalagaan sa tulong ng kanyang matapat na dama na si Libay. Kaya naman ang mga lalaking nanliligaw sa kanya na karamihan ay mga prinsipe buhat sa iba’t ibang tribo ay pawing mga bulaklak o mga halamang namumulaklak ang palaging mhandog sa kanya sa tuwing papanhik ng ligaw ang mga ito.
Dahil matulungin, pati ang mga bulaklak sa kanyang hardin ay ibinibigay niya sa mga nangangailangan upang maipagbili at maging kabuhayan ng mga ito.
Isang araw ay dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman ang mabait nan prinsesa. Agad na ipinatawag ng kanyang amang datu ang pinakamagagaling na mangagamot sa buong nasasakuapn nito ngunit walang makapagsabi kung ano ang sakit ng prinsesa. Wala ring maipayong gamotkaya lumubha ang kanyang kalagayan niya. Nang madama niyang malapit na siyang mamatay ay ipinatawag niya si prinsipe Adi na kanyang kasinthan. May dala itong magagandang bulaklak nang dumating.
“Mahal kong prinsipe Adi, gusto kong ipangako mo sa akin na ako’y kapag namatay ay palaging mong dadalhan ng magagandang bulaklak ang aking puntod. Sa gayon ay maging maligaya na ako saan man ako naroroon,”habilin ng prinsesa. Nangako naman si prinsipe Adi at noon din ay sumakabilang-buhay si prinsesa Aniway. Nang ilibing si prinsesang Aniway ay dumagsa ang bulaklaksa kanyang puntod. Si prinsipe Andi ay tumupad naman sa kanyang pangako na palging dadalhan ng mga bulaklak ang puntod ng mahal na prinsesa. Naniniwala siyang tulad ng sinabi ni Prinsesa Aniway bago ito lagutan ng hininga na mging maligaya ito saan man naroroon basta dalhan lamang ng bulaklak ang puntod nito. Ang mga nakakakita naman sa ginagawa ni prinsipe ay gumaya sa kanya. Naglagay din ng mga bulaklak sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Mula noon ay nakagawian na ng mga namamatayan na maglagay ng mga bulaklak sa puntod kapag dumadalaw sila sa libingan.
No comments:
Post a Comment