Ang Jejemon (IPA: ['dʒɛdʒɛmon]) ay isang kaganapan ng pop culture sa Pilipinas na mailalarawan bilang isang pagmamalabis ng fReAk,LOL at pananalitang l33t. Ito ay kamukhang-kamukha sa katapat nitong Polako na tinatawag na Pokemoniaste pismo' (‘Pokemon na panunulat’). Ang mga Jejemon ay inilalarawan ng Talahuluganang Urban bilang ang mga tao na "nakagawa na ibahin ang Wikang Ingles sa punto na hindi na ito nauunawan at mga lipon sa internet. Ang isang Jejemon ay inilalarwan bilang ang isa sa "bagong uri ng mga hipster na nakauri ng kanilang wika ngunit pati na rin ang kanilang pananamit." Ginagaya rin ng mga Jejemon ang mga mala-"gangster" na katangian at kaugalian na nagiging kamukha sila sa mga Ingles chav, Tsileanong flaite, Eskosyanong ned, Irlandng skanger, Rusonggopnik at Australiyano at Bagong Selandang bogan.
Ang salitang "Jejemon" ay sinasabing nagmula sa mga tagagamit ng internet na nagta-type ng "hehehe" bilang "jejeje" marahil dahil ang "jeje" ay nanggaling sa Kastila na ang mga nagsasalita ay ginagamit ang salita bilang pantawa o dahil ang mga titik ng "h" at "j" at katabi ang isa't-isa at ang sinasabing "-mon" ay nanggaling sa Hapnes na anime na Pokémon, na ang "-mon" ay nangangahulugan bilang "halimaw" (monster) at dito nagmula ang mga "jeje monsters" (literal na "mga halimaw na jeje").
Ang sosyalekto ng mga Jejemon na tinatawag na Jejenese (magiging literal na Jejenismo sa Wikang Tagalog) ay nanggaling mula sa Ingles, Filipino at ang kanilang paiba-ibang Taglish. Ang kanilang alpabeto, ang Jejebet (magiging literal na Jejebeto sa Wikang Tagalog) ay gumagamit ang Alpabetong Romano, kasam na ang mga Numero Arabiko at iba pang mga espesyal na karakter. Nabubuo ang mga salita sa pagiba-iba ng mga posisyon ng titik s isang salita, palitang pagmamalaking titik sobrang paggamit ng mg titik na H, X o Z at paghahalo ng mga numerikong karakter at ng ating normal na alpabeto. Ang pagbabaybay ay katulad sa Pananalitang Leet.
Mga halimbawa:
Filipino: "3ow ph0w, mUsZtAh nA?" salin sa Filipino bilang "Hello po, kamusta na?",
English: "i wuD LLyK tO knOw moR3 bOut u. crE 2 t3ll mE yur N@me? jejejejeje!" salin sa Ingles bilang "I would like to know more about you, care to tell me your name? Hehehehe!"
aQcKuHh- ibig sabihin ay ako
lAbqCkyOuHh- ibig sabihin ay mahal kita
yuHh- ibig sabihin ay ikaw
jAjaJa- pagtawa
jeJejE- ibang-anyo ng jAjaJa;
iMiszqcKyuH- ibig sabihin ay nami-miss kita
eEoWpFhUeEhsxz - ibig sabihin ay kumusta
No comments:
Post a Comment