Pamagat: Hinamon Ako ng Aking Ama
May-Akda: Di Binanggit
Mga Tauhan: Arturo
Tatang
Ester
Ina
Pinangyarihan: Sa bahay at sa Maynila
Buod:
Bata pa lang si Arturo ay nakaranas na ng matinding disiplina sa ama. Dahil sa pagiging disciplinarian ng ama ay maagang nagsipag-asawa ang mga kapatid ni Arturo. Ngayon, siya na lamang ang naiwan sa magkakapatid dahil may kanya-kanyang pamilya na ang mga ito. Maraming ipinagbabawal ang kanyang ama. Isa na rito ang panliligaw. Inilihim niya sa kanyang ama na naging nobya niya si Ester.
Isang araw, habang naglalaro ng bilyar ay naabutan siya ng kanyang ama. Dahil sa matinding galit, pinadapa siya sa mesa ng bilyaran at saka pinalo ng tako sa harap ni Ester. Matinding hinanakit ang namahay sa kanyang puso. Kaya naglayas siya at nagtungo sa Maynila. Gusto niyang ipakita sa ama na kaya niyang mabuhay nang wala ang kanyang ama.
Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Nagtagumpay naman siya. Dahil sa ang natapos niya ay Commerce, napalago niya ang kanyang hardware. Nagpapadala naman siya ng pera sa kanyang ina. Ngunit nabigla siya nang minsan lumuwas ang kanyang ina at sinabing may sakit ang kanyang ama. Lihim siyang natuwa dito. Ngunit nang nakaharap na niya ang kanyang ama ay nalaman niya kung bakit mahigpit noon ang kanyang ama. Nagtagumpay daw si Arturo sa hamon niya. Nawala lahat ang hinanakit ni Arturo. Gumaling ang kanyang ama na parang nagdahilan lang ito. Nalaman din niyang dalaga pa rin si Ester at hinihintay nito si Arturo.
Isa na ngayong matagumpay na negosyante si Arturo at si Ester naman ay guro sa pampublikong paaralan. Sila ay may tatlong anak na nag-aaral sa kolehiyo.
Aral na Napulot:
Minsan, may mga pamamaraan ang ating mga magulang na mahirap unawain lalo na kung tayo ay bata pa. Madalas, nagrerebelde ang mga kabataan kapag napaghihigpitan. Ang ama ni Arturo ay mahigpit dahil ayaw niyang mapariwara ang kanyang anak gaya ng nangyari sa mga nakatatanda niyang kapatid. Hindi man alam ni Arturo ang tunay na intensyon ng kanyang ama, siya’y nagtagumpay sa kabila ng paglalayas. Nagsikap siya upang may mapatunayan sa kanyang ama.
Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng mag-ama ngunit sa bandang huli ay nagkapatawaran pa rin sila. At nagkaroon ng magandang kalutasan ang pagtatapos ng kwento.
the author is Benigno R. juan.
ReplyDeleteCorrect.
DeletePwede po makahinngi ng copy of the full story?
ReplyDeleteWelcome Bonus - CasinoTaratOddsos
ReplyDeleteSign up with CasinoTaratOddsos for up to £100 Sign up Bonus for 슬롯 머신 규칙 all 포커용어 your favourite casino games. Claim your welcome bonus nba betting odds & discover 바카라 필승법 +3500 배팅 사이트 casino games.