Pamagat: Ang Kalupitan
May Akda: Benjamin P. Pascual
Mga Tauhan: Aling Marta pulis
Ang anak nag a-graduate Andres Reyes
Asawa ni Aling Marta Aling Godyang
Pinangyarihan: Sa palengke ng Tundo
Buod:
Kasalukuya’y patuloy sa pamimili si Aling Marta nang binangga siya ng isang madungis at pulubing bata. Ilang sandali, habang siya’y namimili, dumukot siya ngunit wala rito ang kanyang pitaka. Bumalik ang kanyang ala-ala at naisip niya na ang batang bumunggo sa kanya ang nanguha ng kanyang pitaka. Hinanap niya ang bata at dinala sa pulis. Nang magkaroon ng pagkakataon ang bata na tumakas ay nasagasaan ito ng sasakyan at ilang sandali pa ay namatay.
Nag-isip si Aling Marta kung ano ang iuuwi niyang pananghalian sa asawa’t anak. Kaya’t nangutang na lamang siya kay Aling Godyang na may puwesto rin sa palengke. Ngunit nang pag-uwi niya ay napagtanto niya na naiwan pala niya ang kanyang pitaka sa kanilang bahay bago pa man siya tumungo sa palengke upang mamili.
Aral na Napulot:
Huwag nating husgahan ang isang tao sa kanyang panlabas na kaanyuan. Masamang mambintang sa kapwa. Ang sinumang pinaghihinalaan ay may karapatang patunayang siya’y walang sala. At sa pagkakataong nasusukol ang mga inosenteng tao gaya ng sa kwento, nagpupumiglas sila’t nagnanais na makaalpas gaya ng isang hayop na pilit ikinukulong.
Malungkot isiping namatay ang isang inosenteng bata dahil sa isang maling hinala. Totoo ngang nakamamatay ang maling akala.
No comments:
Post a Comment