Isang araw, may isang lobo na pumunta sa bukid ni Mang Tonyo, nakita na ito ni Mang Tonyo ngunit mabait naman at hindi hinahabol ang mga tupa bagkos ay binabantayan pa niya ito.
Kaya isang araw ay pupunta si Mang Tonyo sa bayan para bumili ng pagkain nila, kinausap niya ang lobo na bantayan ang mga hayop, kaya umalis na siya.
Ngunit pagbalik ni Mang Tonyo ay patay na ang tatlong tupa, at wala na sa paligid ang lobo.
Kaya ang nasabi niya na lang ay ang lobo,ay isang lobo, masama siyang hayop, hindi siya maaring pagkatiwalaan.
Kaisipan: Mag-iingat, huwag kayong magtitiwala sa mga hindi ninyo batid na husto ang ugali.
Ang Anino
Isang araw mayroong isang gutom na aso ang naglalakad patungo sa kanyang bahay. Sa kanyang paglalakad ay nakakita siya ng isang buto malapit sa tindahan.
Kinuha niya ang buto at tumawid sa tulay. Habang siya ay naglalakad sa tulay ay napatingin siya sa tubig at may nakita siyang aso na may dalang buto.
Nais din niyang makuha ang buto na kagat ng aso. Hindi niya naisip na nakita lamang niya ang kanyang anino sa tubig. Naka-isip siya ng paraan upang makuha ang inakalang mas malaking buto.. Tinahulan ng aso ang nakitang anino sa tubig, nahulog sa tubig ang kanyang kagat kagat na buto. Nalaman niya na walang aso sa tubig at ang kanyang nakita ay ang kanyang anino. Umuwi ang kawawang aso na gutom na gutom.
Kaisipan: Huwag maghangad ng sobra.
No comments:
Post a Comment