Search This Blog

Friday, February 18, 2011

Ang Tatlong Kuting

Pamagat:                               Ang Tatlong Kuting

May-Akda:                            Zenaida Padilla Villanueva at Rachel C. San Miguel

Mga Tauhan:                        Tatlong Kuting
                                                Inahing Pusa

Pinangyarihan:                    Sa isang nayon malapit sa gubat

Buod:

            Mayroong inahing pusa na may tatlong maliliit na anak.  Mahal na mahal ng inahing pusa ang tatlong anak.  Pinapabayaan niya ang tatlo na maglaro sa bukid at makasagap ng sariwang hangin.  Ang tatlong kuting ay masaya namang nagkakasundo sa paglalaro, hindi lamang sa paglalaro gayundin sa pag-uugali.  Mababait ang tatlong kuting lalo na sa kanilang ina.  Masasabing isa silang masayang pamilya.

            Isang araw, binigyan ng inahing pusa ang tatlo ng karne para sa kanilang pananghalian.  Sa bukid sila nagpunta para kainin ang karneng bigay ng ina, subalit habang nasa daan patungong bukid, umihip ang malakas na hangin at nawala ang karneng bigay ng ina para sa pananghalian.  Bumalik sa bahay ang tatlong kuting at sinabi ang nangyari sa inahing pusa.  Nagalit ang inahing pusa at sinabi “Bumalik kayo sa bukid at hanapin ang nawalang karne at kung hindi ay wala kayong kakainin para sa inyong pananghalian.”  At nagbalik ang tatlong kuting sa bukid at hinanap ang nawawalang karne.  At dahil sa kanilang pagtitiyaga ay kanilang nakita ang nawawalang karne.  Masaya silang umuwi sa kanilang tahanan na dala ang karne.  Masaya silang sinalubong ng kanilang mahal na inahing pusa, at sinabi na ngayong nakita na nila ang karne ay mayroon na silang makakain para sa pananghalian.  At noon ay masayang nagsalo ang mag-anak.

Aral na Napulot:

            Ang ating pamilya ang una nating takbuhan sa mga panahong tayo’y nakakaranas ng mga suliranin gaya ng inilalarawan ng tatlong kuting na bumalik ng bahay upang sabihin sa kanilang inahing pusa ang nangyari.  Ang inahing pusa, gaya ng sinumang mabuting magulang, ay sinabihan ang mga kuting na bumalik at hanapin ang nawawalang karne.  Sa buhay ng tao, sa kabila ng pagkakaroon natin ng pamilyang matatakbuhan, nangangailangang lutasin natin ang ating mga problema sa sarili nating pamamaraan.  Doon masusukat ang ating pagpupursige at tiwala sa sarili.  Anumang suliranin ay malulutas kung tayo’y hindi susuko at hindi bibitaw.

6 comments: