1. Ako’y may alaga,
Marunong magbantay,
Marunong sumalakay.
Sagot: PUSA
2. Alin bang bunga ng halaman
Ang lagi nang nalilimutan.
Sagot: PAKWAN
3. Anong puno ng espada,
Anong dahong bandera,
Anong bunga ang dala.
Sagot: BADLANG
4. Ang bunga ay puso
Ang butil ay ginto.
Sagot: MAIS
5. Ang dahon ay espada,
Ang bunga ay may korona.
Sagot: PINYA
6. Ang puno ay kahoy
Ang sanga ay agnos
Ang bunga ay gatang
Ang laman ay lisain.
Sagot: PAPAYA
7. Ang tamad na si Elong
Gugulong-gulong.
Sagot: PAKWAN
8. Aso ko sa Malabon,
Naligo’y tuyo nang umahon.
Sagot: GABI
9. Babalibalimbing, babalibalimba,
Iisa ang ulo, ang mukha ay lima.
Sagot: BALIMBING
10. Baboy ko sa parang
Namumula sa tapang.
Sagot: SILI
11. Bahay ko sa bundok,
Iisa ang tukod.
Sagot: KABUTI
12. Bahay ng prinsesa,
Nabuksan ay hindi maisara.
Sagot: ITLOG
13. Bahay ni San Vicente,
Punung-puno ng brilyante.
Sagot: GRANADA
14. Batung-bato,
Makakain mo.
Sagot: BAYABAS
15. Bugtong, bugtong
May mata, hindi makakita
May bunganga, hindi makapagsalita.
Sagot: NIYOG
16. Kamay ng kastila
Nakabaon sa lupa.
Sagot: LABANOS
17. Kamay ng kastila,
Punung-puno ng ligata.
Sagot: PIPINO
18. Kapirasong uling, sumibol ay baging
Baging ay bumunga, bunga’y pata-patalim.
Sagot: PATOLA
19. Kung araw ay bulag
Kung gabi ay dilat.
Sagot: PANIKI
20. Kung saan masikip
Doon nagpipilit.
Sagot: LABONG
No comments:
Post a Comment