Si Aling Juana ay isang babaing relihiyosa. Araw-araw siyang nagsisimba. Medaling araw pa lang ay nasa simbahan na siya para sumimba. Bumabalik siya sa hapon para magnobena sa iba’t ibang mga santo. Kapag may prusisyon ay sumasama siya. Sa gabi bago matulog ay nagrorosaryo siya kasama ang kanyang asawa at mga anak. At nagdadarasal din siya bago kumain, gayon din pagkatapos kumain. Ano pa at ang buhay niya ay tigib ng kabanalan.
Si Aling Juana ay mayroong tindahan sa silong ng kanilang bahay. Pinakamalaki ang kanilang tindahan sa kanilang lugar. Marami silang paninda. Lahat halos ay kaylangan sa araw-araw na buhay ay naroroon sa tindahan ni Aling Juana. Kaya naman maraming namimili sa kanyang tindahan. Mayroon ngang dumadayo pa sa kanya mula sa kabilang barangay.
Madaling araw pa lang ay bukas na ang tindahan ni Aling Juana. Nagsasara naman na ito kapag alas-nuwebe ng gabi.
Lima ang tindera ni Aling Juana. Lahat sila ay doon natutulog sa bahay ni Aling Juana. Kapag malapit nang magsara ang tindahan ay isa-isang tinawag ni Aling Juana ang kanyang mga tinder.
“ O, Celia, nabawasan na ba ninyo ng tig-iisang kutsara ‘yung mga kinilo ninyong asukal?”tanung niya sa isang tinder.
“ Opo, Aling Juana,” sagot ng katulong.
“ Ikaw, Bebebng, nadagdagan mo na ba ng tubig ang mga suka natin?” tanong niya sa isa pang tindera.
“ Opo,” sagot ng tindera
“Ikaw, Saling, naturukan mo na ba ng tubig ang mga dressed chicken?” tanong niya sa isa pa.
“Opo, Aling Juana,” sagot ng tinanong
“Buweno, magsara na kayo at magrorosaryo na tayo!” pagtatapos niya.
Nagkatinginan na lamang ang mga tinder. Malayung-malayo kasi ang totoong ugali ni Aling Juana sa ipinakikita nitong kabanalan.
No comments:
Post a Comment